Mga beteranong senador, tinaob ni Sen. 'Bong' Go sa rami ng panukalang batas

SEN. “BONG” GO, MARAMING PANUKALANG-BATAS, PERO IBANG BETERANONG SENADOR, DAKDAK LANG NANG DAKDAK—Walang masama sa pagsama ni Sen. Christopher “Bong” Go kay P-Duterte kasi talaga namang sanggang-dikit sila. Bukod d’yan ay hindi naman niya napapabayaan ang kanyang trabaho. Patunay d’yan, kahit bagitong senador siya ay marami na siyang panukalang-batas na isinulong sa Senado para sa kapakanan ng mamamayan.
Ang masama, ‘yung ibang beteranong senador na dakdak lang nang dakdak sa Senado, pero “nganga” naman sa paggawa ng mga panukalang-batas, boom!
◘◘◘
SEN. GORDON, TIKLOP KAY P-DUTERTE—Inupakan ni Sen. Richard Gordon si P-Duterte sa pag-a-appoint nito ng mga ex-generals sa gobyerno, pero nang rumesbak ang pangulo at sabihin na ang utak ng senador ay napunta sa lumalaking tiyan nito ay tumiklop agad si Sen. Gordon na nagsabing hindi naman daw sila dapat mag-away ng pangulo dahil friends daw sila.
Akala ng publiko, palaban na si Sen. Gordon, pero hindi pala dahil tiyan pa lang niya ang tinumbok ni P-Duterte, eh, urong na agad ang “balls” niya, ha-ha-ha!
◘◘◘
MAG-IINANG SMUGGLER, TULOY ANG RAKET SA CUSTOMS—Tuloy pa rin daw ang raket na plastic resins smuggling ng mag-iinang “Tina U”, “Bebang” at “Gerry” sa Bureau of Customs.
Kailan kaya ipatotokhang ni Commissioner Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero ang mag-iinang smuggler na ito? Abangan!





Comments