LALAKING HINDI ANG BABAENG PANGARAP KUNDI MALUSOG NA KAPITBAHAY ANG MAKATUTULUYAN
- BULGAR

- Aug 5, 2019
- 2 min read

KATANUNGAN 1. Wala pa akong girlfriend ngayon, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend?
2. May nililigawan ako, pero parang wala siyang gusto sa akin. Siya ay Aquarius at Cancer naman ang zodiac sign ko. Dapat ba akong magpatuloy o tumigil na lang bago ako tuluyang ma-busted?
3. Maestro, sana mabigyan ninyo ako ng tamang advice upang hindi ako magkamali ng desisyon. Gusto ko, ngayong 2019 sa edad kong 28 ay magka-girlfriend na ako dahil may maganda na akong trabaho sa computer company.
4. Sa palagay ninyo, ayon sa guhit ng aking palad, magkaka-girlfriend na kaya ako ngayong taon? KASAGUTAN Tunay ngang mas maganda, malinaw at mahaba ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad kung ikukumpara sa naunang sobrang ikli at halos hindi gumuhit na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).
Ibig sabihin, sa sandaling itinigil mo na ang panliligaw sa babaeng isinilang sa zodiac sign na Aquarius, tiyak ang magaganap ngayong 2019, sa buwan ng Setyembre, babaeng isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang magiging girlfriend mo kung saan ang babaeng ito ay medyo kilala mo na rin sa kasalukuyan at sa sandaling nagkapalagayan kayo ng loob, wala pang isa o dalawang buwang panunuyo para kang tumama sa lotto, mabilis ang magaganap tulad ng nasabi na, magiging girlfriend mo siya ngayong 2019, sa buwan ng Setyembre o kaya ay Nobyembre. DAPAT GAWIN Tulad ng nasabi na sa itaas, Ryan, dahil hindi mo ka-compatible ang Aquarius, mas mainam na itigil mo na ang panliligaw sa nabanggit na babae, sa halip, habang panahon ng tag-ulan, lumingun-lingon ka sa iyong kapaligiran dahil maaaring kasamahan mo rin sa trabaho o kapit- bahay n’yo lang ang babaeng Scorpio na medyo maputi, malusog ang pangangatawan at mababa ang height, siya ang ligawan at suyuin mo nang sa gayun ngayong taon, tulad ng nasabi na, kusa nang matupad ang iyong plano at pinapangarap kung saan sa edad mong 28, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas at ang nasabing suyuan ay hahantong na sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments