Jessy, pangalawa na lang daw… JULIA, MOST HATED CELEBRITY SA PANG-AAGAW KAY GERALD KAY BEA
- BULGAR

- Aug 5, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

MULING nakatanggap ng pamba-bash si Jessy Mendiola sa kanyang socmed account.
Ayon kay @sarahm503, “@senorita_jessy Ikaw landi, kailan ang kasal mo? Hahaha! The most hated celebrity in the Philippines, no worry, may kasama ka na, si Julia B. na parehong jumowa ng may jowa kahit hindi pa break. Mga cheaters! Mag-audition na kayo ng Valentina role, for sure, makukuha kayo (laugh emoji).’
Sagot ni @senorita_jessy, “@sarahm503 Move on.”
Ang palitan ng sagot ng actress at basher ay nauwi na sa kung saan hanggang may nakikomento na rin na ibang netizens.
Para sa kanila ay nega si Jessy. “Ang hirap din na nega will always be nega. Pero what can we do, may ganu’n talaga. Parang nasusuya ka sa kanila kahit wala naman nang ginagawa. NEGA ALL THE WAY HAHA.”
Ang masaklap pa, maging ang ibang tao na nananahimik ay nadadamay tulad ng actress na si Angel Locsin.
“Naka-move on na ‘yung isa at ikakasal na nga pero si basher, nabubuhay pa rin sa nakaraan,” sambit ng isang commenter.
Sabi naman ng isa, “‘Di lahat ng bashers ni Jessy, eh, fan ni Angel. ‘Di ba puwdeng imbiyerna lang talaga kay Jessy?”
Kung dati raw ay si Jessy ang most hated celebrity, hindi na ngayon dahil pumalit na sa kanya si Julia Barretto. Second honor na lang daw ang girlfriend ni Luis Manzano.
May nagsasabi namang ang most hated celeb ngayon ay si Gerald Anderson at deserve raw ito ng actor.
Jusko, kung saan-saan napupunta ang mga komento ng mga netizens.
Si Jessy ang bina-bash, ikinonek na kay Angel, tapos kina Gerald at Julia.
Sana nga, mga bashers, move on like what Jessy said.





Comments