Bagyong Hanna at Habagat, joint forces | WALANG PASOK


KAUGNAY ng inaasahan pa ring hindi magandang panahon dulot ng habagat na pinalalakas ng Bagyong Hanna, ilang lugar ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase.
Narito ang mga lugar na suspendido ang klase ngayong araw, Agosto 5.
Batangas province - pre-elementary to senior high school, public and private
Hermosa, Bataan - all levels
Cavite province - all levels
Laguna province - all levels
Sta. Cruz, Occidental Mindoro - all levels
Rizal province - all levels
Romblon, Romblon - preschool to Grade 6, public and private
San Fernando, Romblon - preschool to secondary school, public and private
Samantala, lalo pang lumakas ang Bagyong Hanna, batay sa update ng PAGASA.
Huli itong namataan sa layong 1,060 kilometers east ng Tuguegarao City, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksiyong pa-hilaga.
Ayon sa PAGASA, ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ang naghahatid ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.
Makararanas ng monsoon rains ang Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, Bataan, Zambales, Cavite, Laguna at Batangas. Maghahatid din ng kalat-kalat na pag-ulan ang Habagat sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Rizal, Quezon at sa nalalabi pang bahagi ng Central Luzon at Visayas.
Samantala, nakatakdang lumabas ng bansa ang nasabing bagyo sa Huwebes o Biyernes. (BRT)





Comments