6 kulong sa P1.3 milyong shabu

HALOS nasa P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa anim na naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City.
Alas-5:00 ng hapon nang isagawa ng mga awtoridad ang unang operasyon sa isang bahay sa Bgy. 33, Maypajo, na nagresulta sa pagkakaaresto kina Kevin Gacer, 20, at Rica Mariano, 31.
Dinamba ang mga suspek matapos iabot sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money at nakumpiska sa mga ito ang dalawang sachets ng shabu, buy-bust money at 98 gramo ng shabu na nakalagay sa plastic ng yelo na nasa P667,000 ang halaga.
Alas-6:30 naman ng gabi nang isagawa ang ikalawang operasyon sa Bgy. 12 kung saan nadakip ang mga target ng operasyon na sina Mylene Torres alyas Biday, 43, at Jerry Camposano, 45, matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P1,000 marked money.
Narekober kay Biday ang buy-bust money at ang ibibentang shabu sa pulis habang nakumpiska kay Jervy ang isang plastic ng shabu.
Timbog din sa operasyon sina Jinalyn Viogela, 27, at Marvin Vergel, 26, kung saan nakumpiska sa mga ito ang nasa 92 gramo ng shabu na nasa P 625,600 ang halaga.





Comments