Super ka talaga, boy! MAGALING NA AKTOR, MAS MATAAS PA SA TF NG BIDANG AKTRES ANG HININGI PARA SA MO
- Erlinda Rapadas T.
- Aug 4, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
HINDI raw totoong busy at may mga commitments ang magaling na aktor kaya siya nag-back-out sa isang malaking pelikula. Palusot lang daw ‘yun ng aktor, ayon na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Ang tunay na dahilan daw kaya hindi natuloy sa gagawing pelikula ang aktor ay nag-demand ito ng malaking talent fee na mas mataas pa sa TF ng bidang premyadong aktres.
Parang presyong ayaw daw ang hiningi ng magaling na aktor sa producer, pero hindi kinagat at mismong ang magaling na direktor na hahawak ng pelikula ang nagsabing palitan na lang ang demanding na aktor at kumuha ng iba na ka-level ng umayaw na leading man.
Masamang-masama naman ang loob ng mga diehard fans ng premyadong aktres sa pagtanggi ng aktor na muling makatrabaho ang idolo nila. Kung tutuusin, ang magaling na aktres daw ang dahilan kaya sumikat agad ang aktor at nabigyan ng malalaking pelikula.
Noong bagu-bago pa lang sa showbiz ang aktor, ang magaling na aktres ang super-sikat at tinitilian ng mga fans. Kung tutuusin, nagamit lang ng aktor ang sikat na morenang aktres para umangat ang kanyang career. Ngayon, feeling big star pa rin ang aktor na namimili na ng kapareha.




Comments