top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Panibagong kaso vs. Mon Tulfo — Medialdea

  • Mylene Alfonso
  • Aug 4, 2019
  • 1 min read

NAKATAKDANG mag­sampa ng ikalawang kaso ng libelo si Executive Secretary Salvador Medial­dea laban sa kolumnistang si Ramon Tulfo.

Kaugnay ito sa column ni Tulfo noong July 25 kung saan inakusahan nito si Medialdea na wa­lang gina­gawa sa apela ni Felicito Me­jo­rado na maku­ha ang kan­yang reward mo­ney mula sa gobyerno.

Si Mejorado umano ang nagbigay ng tip sa pamaha­laan sa sinasabing smuggling operation sa Ma­riveles, Bataan noong 1997.

Inakusahan ni Tulfo si Medialdea na humihingi ng pera para mailabas ang tip mula sa nagngangalang Vian­ney D. Garol.

Tahasan namang iti­nanggi ni Medialdea ang aku­sasyon at sinabing ang apela ni Mejorado ay hindi naipit sa Office of the President (OP) ng isang taon, bagkus, tatlong buwan lamang.

Nakuha umano ng OP ang notice of appeal ni Me­jorada noon lamang April 5, 2019. Inabisuhan na rin ng OP ang Department of Finance, na nauna nang nag-deny ng request ni Mejo­rado, upang makuha ang record ng kaso. Sinabihan na rin ang Na­tional Bureau of Inves­tiga­tion upang i-verify ang pag­kakadawit ni Garol at iba pang personalidad, maging ang Department of Justice, upang isampa ang kaukulang kaso.

Ani Medialdea na hindi niya kakilala si Garol.

Base sa talaan ng Mala­cañang Records Office, si Garol ay na-appoint bilang project development officer II sa ilalim ng Office of Ex­ternal Affairs-Davao noong August 1, 2005 subalit, tu­migil ang operasyon nito noong December 31, 2005.

Nabatid na ito na ang pa­ngalawang kasong libel na isasampa ni Medialdea la­ban kay Tulfo.

Ang naunang kaso ay kaugnay din ng column ni Tulfo noong Mayo kung saan inakusahan din ng per­yodista si Medialdea na ‘be­nefactor’ umano ni Sandra Cam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page