MYJOPAY VS. SHANGHAI GREY

MAG-UUNAHAN sa pagpapakain ng alikabok ngayon sa 2019 Philracom Lakambini Stakes Race at George Y. Stribling Memorial Stakes Race sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ang 9 na kalahok. Siyam na kabayo ang aarangkada sa Lakambini Stakes Race na pangungunahan ng Cups In Raver, Two Timer, Shanghai Grey, My Jopay, My Sheltex, Serafina, Melody Amor, Easy Landing at Suberbia.
Pinapaboran ang Shanghai Grey at My Jopay na kapwa Triple Crown runner. Tatawirin ng 9 ang distansiyang 1,600 meters at may premyong P900,000 sa kampeon at tatanggap naman ang 2nd place ng P337,500, habang ang 3rd place ay tatanggap ng P187,500 at may P75,000 ang 4th place. May P60,000 ang breeder ng mananalong kabayo.
Samantala, walong kalahok ang maglalaban-laban sa George Y. Stribling Memorial Stakes Race na may premyong P300,000.
Ang mga kalahok ay Leana Lolita, Yes All Wee Bet, Lollipop, Skyscraper, Early Bird, Balang Araw, Chocolate Thunder, Oktubre Katorse at Marinx.
Pinapaboran ang Yes All Wee Bet, Lollipop, Skyscraper, Early Bird at Marinx. Samantala, 12 karera ang bibitiwan ngayon na kapapalooban ng 3 Winner Take All, Pick 6 at Pick 5.
Sa Race 1, ipinapatok ang Indubitably at makakalaban ang Lady Rimba, habang sa Race 2, magkakalaban ang Cavite Royale, Princess Atiana at couple entry na sina Faithfully at Cloud Hunter.
Nakalalamang ang Hardliner at makakalaban ang couple entry na Palma del Mallorca at Sky Plus sa Race 3. Pinapaboran ang If Your Honor Please habang ang Fire Bull ang tatalo sa Race 4.
Sa Race 5, kay My Jopay at Shanghai Grey tayo, habang sa Race 6, ang Parokya ni Nitoy habang ang tatalo ay ang Pronto at couple entry na Jun Tailor at Polloc Island.
Sa Race 7, sa Yes All Wee Bet tayo laban sa couple entry na Lollipop at Skyscraper, Early Bird at Marinx.
Sa Race 8, lamang ang Fort McKinley, makakalaban ang Sunny Side at La Corona.
Sa Race 9, patok ang Umbrella Girl kontra Mapaghinala at Concert King habang sa Race 10, bantayan ang Hula Discovery at Daanbantayan.
Tatlo ang kalahok sa Race 11, pumili kina Desert Gold, High Quality, Raging War at sa Race 12, patok ang Halo Wander at subukan ang Rico Mambo sa forecast.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Indubitably (1) Race 2- Entry No.2 Princess Atiana (1) Race 30 Hardliner (1) Entry No.4 Race 4- IfYour HonorPlease (8) Fire Bull (3) Race 5- Entry No.2 My Jopay (4) Race 6- Parokya ni Nitoy (12) Pronto (8) Entry no.2 Race 7- Entry No.3 Early Bird (4) Yes All Wee Bet (2) Race 8- Entry No.1 Fort McKinley (3) Race 9- Umbrella Girl (4) Race 10- Daanbantayan (6) Hula Discovery (1) Race 11- Desert Gold (2) Hayley Margarette (5) Race 12- Halo Wander (6) Rico Mambo (1)





Comments