Habang nasa training | PULIS NALUNOD, PATAY

NASAWI ang isang pulis nang malunod habang sumasailalim sa Basic Swimming Course sa headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City, kahapon.
Kinilala ni NCRPO Chief Police Major General Guillermo Eleazar, ang nalunod na pulis na si Police Cpl. Adonis Serrano, 28, nakatalaga sa PCP ng Marikina City Police Station.
Base sa pagsisiyasat ng NCRPO, nangyari ang insidente sa swimming pool ng NCRPO, alas-2:03 ng hapon.
Sinasabing nagsasanay ang naturang pulis nang maganap ang insidente.





Comments