BAGSIK NG PAMBABALAGBAG NG PINOY MUAYTHAI, IPAMAMALAS


ISANG malusog at drug-free lifestyle ang pag-iibayuhin para sa lahat ng mixed martial arts practitioners bago pa man makasagupa ang China, Singapore, Macau, Hong Kong at Thailand para sa darating na SKY-Southeast Asia Fighting Championship 62 sa MOA Arena sa Oktubre 26.
Ito ang nais tugunan ng National Muaythai Kick Boxing Council of the Philippines (NMKBCP) at SKY Enterprises Corporation. “The NMKBCP and SKY Enterprises Corp. are teaming up to achieve our common goal of promoting big-time martial arts tournament while encouraging our athletes to lead a healthy, drug-free lifestyle,” ayon kay NMKBCP founder-president Emmanuel Sabrine sa nagdaang 33rd “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros. “It is hard to achieve both goals.”
Kumpiyansa si Sabrine na ang kanilang layunin ay maabot lalo na sa tulong ng mga taong nagbabahagi ng parehong ‘values at goals’ tulad nina Limuel Valla at Roland Pangilinan ng SKY.
Inaasahan din ni Victor de la Riva na sa lahat ng SAFC tournaments ay mabigyan ng oportunidad ang Pinoy fighters na maipakita ang galing at tsansa na sumagupa hindi lang sa local martial arts scene maging sa international arena.
Para sa fighters na sasagupa sa unang pagkakataon, naglaan ang SAFC ng mahalagang karanasan at tsansa upang maging professional fighter sa susunod na panahon.
Ang magwawagi mula sa SKY-SAFC 62 ang pipiliin upang katawanin ang bansa sa Professional international Martial Arts Championship na idaraos sa ilang mga bansa. (MC)





Comments