Sobrang guilty, 'di kinaya, na-depressed, nagpakamatay… PAULO, MAS PINILI ANG CAREER, LJ AT ANAK
- BULGAR

- Aug 3, 2019
- 1 min read

MARAMI ang nag-react sa post ng aktor na si Paulo Avelino tungkol sa kanyang pinagdaanang depression sa buhay dahil sa ilang personal niyang problema at isa na rito ang hindi niya pagkakaroon ng chance na makita/makasama ang kanyang anak kay LJ Reyes.
Sinubukan naman daw niya noong una na mapalapit sa anak, pero hindi siya nabigyan ng pagkakataon.
Sey naman ng mga nagtatanggol kay LJ, kasalanan din ni Paulo kung bakit nawalan na siya ng karapatan sa anak nila ng dating partner.
Noong panahon na kailangang-kailangan ni LJ ang kanyang suporta bilang ama ng kanilang anak, eh, mas pinili ni Paulo ang kanyang career kesa panagutan ang obligasyon sa kanila.
Nagpakalunod sa saya at tagumpay si Paulo at nawalan na ng panahon sa kanyang obligayson. Kinaya ni LJ na itaguyod at palakihan ang kanilang anak kahit na single mom siya. At hanggang sa dumating nga sa buhay nilang mag-ina si Paolo Contis na nagpabago ng lahat sa kanilang buhay.
Naging close si Paolo sa anak nina LJ at Paulo. Halos si Contis na ang kinikilalang tatay ng anak ni LJ.
Maraming masasayang events na naging bahagi si Paolo sa buhay ng mag-ina ni Paulo Avelino.
Masaya na ang kanilang buhay ngayon. Too late na upang magsisi si Paulo. ‘Yun ang cause ng kanyang depression at hindi siya masaya sa kanyang buhay. Nagi-guilty siya sa ginawang pagtalikod sa kanyang mag-ina.





Comments