top of page

Pinsang nakaaway sa inuman, pinalayas ng bahay, sising-sisi naman

  • ROMA AMOR
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Michael, 25 years old. May pinsan ako na sobrang close ko dahil kahit mas matanda ako sa kanya ng 2 taon ay magka-batch kami sa school at magkaklase pa. Lumaki kami na palagi kaming magkasama at nagdadamayan sa lahat ng oras hanggang sa nangyari ang hindi ko inaasahan. Nag-inuman kami, tapos, nalasing kaming dalawa masasakit na salita ang nasabi namin sa isa’t isa, kaya pinalayas ko siya sa bahay. Lumipas ang ilang araw, na-realized ko na hindi ko puwedeng dedmahin na lang nang basta-basta ‘yung pinsan ko dahil kahit madalas kaming mag-away, eh, mahal ko ‘yun. Sa tingin ninyo, paano ko siya makakausap ulit? — Michael

Michael, Minsan, kahit gaano natin ka-close ang tao, darating sa punto na maiinis tayo sa kanya, lalo na kung may nasasabi na siyang hindi maganda. Pero, pagkatapos ng lahat ng ‘yun, kung talagang mahal ninyo ang isa’t isa bilang magkaibigan, magpinsan o kung anuman, for sure, hindi matutuldukan ng sagutan ang inyong samahan. Ang maipapayo namin sa iyo, puntahan mo siya sa bahay nila at pag-usapan ninyo ang nangyaring problema, gayundin, lawakan ninyong ang inyong pag-iisip nang sa gayun ay manaig ang pang-unawa sa inyong dalawa. Magtiwala ka lang, bro, magkakaayos din kayo. Good luck at God bless sa inyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page