top of page
Pokwang.jpg

Panahon na para magbago, besh... PANAGINIP NG KINUKONSENSIYA NA NI LORD

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Edmar ng Ed­mar_Miralpes@facebook. com

Dear Professor,

Nanaginip ako noong July 21 ng madaling-araw, siguro around 3am to 4am, kasi natulog ako ng 1 am.

Habang naglalakad ako sa diretsong daan patu­ngo sa highway o daanan ng mga sasakyan, may su­mita sa akin na lalaki, medyo malaki ang kata­wan, may taas na 5’4" medyo matang­kad lang sa akin, tapos, may kaiti­man siya, naka-red t-shirt at dark green na short na 6 pocket, ang edad ay halos kapareho lang din ng edad kong 25.

Binato niya ako ng da­la­wang beses, mahina lang naman pero, ramdam ko ‘yung pagkabato niya sa likod ko, ‘yung ibinato niya sa akin ay kulay dilaw na hugis-domino. Pagkatapos, tumigil din siya nang bigla akong lumapit sa kanya, tapos, tinanong ko siya kung ano ang problema niya pero, hindi niya ako sinagot.

Tapos, napaupo na lang siya sa tabi, nagpatuloy ako sa pagsasalita at ang na­alala ko na lang ay ‘yung si­nabi niyang “sa tingin mo ba matutuwa ang Diyos sa mga ginagawa mo?”

Sana, matulungan ninyo ako, baka may ibang men­sahe ang panaginip na ‘yan dahil hindi ko sigurado kung makabubuti o makasasama para sa akin?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Edmar

Sa iyo Edmar,

Ang bumato sa iyo, iho, ay si Lord mismo. Ang men­sahe niya ay ‘yung mismong nasa panaginip mo na sa palagay mo ba ay matutuwa ang Diyos sa iyo?

Dahil dito, mas magan­dang salaminin mo ang iyong buhay at kung may makikita ka na dapat gawin para matuwa sa iyo ang Diyos, gawin mo ito.

Muli, isagawa mo ang self-reflection kung kailan susuriin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi ka magkasala sa nasa itaas.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page