top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pagdagsa ng mga turistang Chinese, nakababahala!

  • Ryan B. Sison
  • Aug 3, 2019
  • 1 min read

MARAMING mamamayan ang na­babahala sa pagdami ng mga dayuhang Intsik. Anila, maaari na itong maituring na security threat.

Kaya naman isinusulong ang Philip­pine Visa nang sa gayun ay malimitahan at makontrol ang kanilang pagdagsa.

Gayunman, kung gagawin ito, ma­inam na gawin ito sa lahat ng mga da­yuhan.

Kaya lang, kung sakaling mangyayari ito, bababa ang turismo at estado ng negosyo sa ating bansa na malaki ang epekto sa ating ekonomiya.

Dagdag pa rito, kuwestiyunable rin ang mga ahensiya na nangangasiwa sa mga ganitong bagay dahil mukhang hindi nila masyadong nababantayan ang se­guridad.

Kaya ang panawagan natin sa lahat, walang masama na mabahala, pero tandaan, hangga’t hindi tayo tinatangga­lan ng karapatan sa sarili nating bayan, tayo pa rin ang masusunod at hindi ang mga dayuhan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page