Kinimkim lang ng guy dahil sobrang baliw sa kanya… TOWNHOUSE, KOTSE AT ALAHAS NG FLAWLESS SEXY ACTRE
BLIND ITEM:
BUENA mano natin ang isang ginoo na na-re-elect sa pagka-representative last election. Did you notice that we called him “ginoo”? Yes, dahil he is that... a gentleman. Galing siya sa isang buena familia. In fact, may-ari sila ng isang popular university sa Metro Manila.
Macho at single siya, pero may love child sa isang nakarelasyong ramp model. At ang mother and child ang rason kung bakit ‘di niya napakasalan ang super-seksi at kutis-porselanang aktres na naging syota niya bago ito nag-showbiz at nagkaroon ng BF na hardcourt hero.
Teka, saglit lang. Bakit siya ang topic natin? We gathered na sinusuyong muli ni Mr. Representative si Ms. Sexy dahil iniwan na ito ni Mr. Basketball Player. Handang saluhin ni Cong. sa rebound ang byuting ex-sweetheart. It appears TL ng public official ang aktres. How lucky can this lady be?
And to think na lahat ng gifts ni Cong. (townhouse, kotseng modelo at jewelry) ay ‘di niya binawi kay Ms. Sexy!





Comments