top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Horoscope | Agosto 03, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 3, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 3, 2019 (Sabado): Napabibi­lang ka sa nagtataglay ng napakalakas na karisma na maihahalintulad sa to­toong gayuma. Palaging mag-iingat dahil ang mga wala nang karapatan ay hin­di ka titigilan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipagpaliban ang pakiki­pag­kontrata. Mag­hintay ng tamang araw kung kailan malaya kang makapagpapasya. Sa araw na ito, ang damdamin mo ay sagabal sa iyong mga proyekto. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-10-12-19-20-24-40.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na iyong mararanasan. Ang minsang dumaya sa iyo ay lalapit at muli mong pag­bibigyan. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-11-17-27-35-39.

GEMINI (May 21- June 20) - Isip ang paga­nahin mo, hin­di ang iyong puso. Mas mapabubuti ka kung isip ang magdidik­ta sa iyong buhay. Liligaya ka kapag puso ang sinu­nod mo pero, ito ay pansaman­tala lamang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-2l-27-35-38-42.

CANCER (June 21- July 22) - Kaunting kulit lang, ma­kukuha mo na ang malaking gusto mo at hindi ka mahihirapan ngayon. Ang mga nasa pa­ligid mo ay susunod sa utos ng langit na bigyan ka ng saya at ligaya. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-23-24-39-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalo kang napapa­lapit sa nag­pa­pakita sa iyo ng kakaibang bait. Kung sa­kaling magkakauna­wa­an kayo, hindi naman tu­tutol ang langit. Ito ang mensa­he ng iyong kapa­laran. Ma­suwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-28-33-37-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang manghihimasok sa iyong buhay. Ang hindi niya alam, kapag hindi ka niya tinigilan ay mai-in love siya sa iyo. Ito ang men­sahe ng iyong kapala­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-18-21-24-30-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Babagal ang galaw ng iyong mundo. Ang makikitang pagkakaaba­la­han mo ay ang aspetong pandamdamin pero, ang dapat tutukan ay ang pang­kabuhayan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-22-23-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Abala ang isip mo sa mga palaisipan ng buhay, gayundin, abala ka sa trabaho. Ang payo ay dapat limitahan mo ang sa una at ituloy na lang kapag ikaw ay nasa bahay na at nag-iisa. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-15-18-27-30-31-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-iipon ng lakas ang iyong mga su­werte. Ito ang dahilan kung bakit inaakala mong wa­lang paggalaw ang iyong bu­hay na parang hindi ka na bubuwenasin. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-16-19-20-24-25-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kung sino ang madikit sa iyo, siya mis­mo ang suwerte. Puwede ring ikaw mismo ang dumi­kit sa alam mong sinusu­werte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-28-35-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbaba­bala ang mga araw na ito na tutulo ang mga luha mo. Ang ilang dahilan ay kabi­guan pero, mapaluluha ka rin dahil sa biglaang pag­da­po ng malaking suwerte sa buhay mo. Masuwerteng ku­­lay-yellow. Tips sa lotto-11-13-20-21-38-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka nga­yon. Muling ibi­nalik ng langit ang mga araw na ikaw ay mapalad. Ito ay para mapa­hiya ang mga walang hina­­ngad kundi ang mabigo ka at masaktan. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-15-17-28-30-33-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page