Drug den ni-raid, 5 timbog

HIGIT P100,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa limang hinihinalang sangkot sa iligal na droga na naaresto sa isang drug den sa Navotas City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Roberto de Guzman, 51, umano’y maintainer ng drug den; Richard Antonio, 27; Rey Gilbuena, 44; Renato Gilbuenan, 19, at Ramonito Dumayan, 37, pawang mga residente ng Bgy. NBBN.
Alas-9:00 ng umaga nang isinilbi ng mga awtoridad ang search warrant na inisyu ni Hon. Cecilyn Burgos -Villabert ng RTC Branch 89, Quezon City, sa isang drug den sa Old Fishport Road na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 12 sachets ng shabu na tumitimbang ng 15 gramo na tinatayang nasa P102,000 ang halaga at mga drug paraphernalia.





Comments