Aso, biglang tumawid | RIDER SUMEMPLANG, TIGOK
Paul Lamsen
Aug 3, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang mister makaraang sumemplang ang minamaneho nitong motorsiklo kamalawa ng hapon sa Caoayan, Ilocos Sur.
Kinilala ang nasawi na si Marcial, may asawa at naninirahan sa nasabi ring lugar.
Bandang hapon at papauwi na ang biktima galing sa trabaho sakay ng motorsiklo nang biglang may tumawid na aso. Hindi ito naiwasan ng biktima hanggang sa tumilapon na sanhi ng pagkabagok nito na kanyang ikinasawi.





Comments