Alam na hahabulin ng BIR… RAFFY TULFO, NAGSALITA NA SA P50 MILYONG KITA SA YOUTUBE

Beth Gelena / BULGARY FILES

USAP-USAPAN ngayon sa social media si Raffy Tulfo na kumikita umano ng P50 milyon mula sa YouTube account.
Nag-react ang broadcast journalist at sinabing wala raw katotohanan ang balita.
Esplika ng TV host, “Estimate lamang po ‘yun na puwedeng mangyari at puwedeng hindi mangyari.”
Nagpapasalamat siya na nagte-trending ang kanyang YouTube videos, pero ‘di raw ibig sabihin nu’n ay milyun-milyon na ang kinikita niya.
Ani Raffy sa isang panayam, “‘Yung sa trending, thank you, pero ‘yung sa income, baka mamaya, habulin ako ng BIR (Bureau of Internal Revenue). Malayung- malayo po ‘yun, trust me.”
Inamin naman ni Raffy na ang kinikita niya ay tamang-tama lang na pambigay ng tulong sa mga taong lumalapit sa kanyang programa.
“Kahit papaano, pantawid-gutom, puwede. Pangtulong paminsan-minsan sa mga nangangailangan, puwede,” lahad ng beteranong broadcast journalist.
Ang YouTube channel niyang Raffy Tulfo In Action ay mayroong 5.3 million subscribers.





Comments