Akala mo lang nakaka-sexy, may bad effect pala... PAGKAIN NG SOBRANG ANGHANG, NAKASISIRA NG MEMORYA

Hindi mo ba ma-enjoy ang pagkain kung hindi ito maanghang, kaya minsan, kung bitin ka sa anghang, eh, nagdaragdag ka pa ng sili o chili flakes? Naku, hinay-hinay lang sa pagkonsumo ng maaanghang na pagkain, mga beshy! Knows ba ninyo na ang labis na pagkonsumo nito ay mayroong negatibong epekto sa memorya? Hmmm…
Bagama’t, nakatutulong sa pagpapababa ng timbang ang spicy food, tulad ng ibang bagay, mayroon din itong advantage at disadvantage.
Sa bagong pag-aaral mula sa University of South Australia na nai-published sa Nutrients Journal, may koneksiyon ang chili intake sa cognitive function.
Sa isinagawang pag-aaral, sa loob ng 15 taon, sinuri ng researchers ang mahigit 4,500 Chinese adults na nasa edad 55 pataas. Inatasan ang mga ito na i-record ang kanilang food intake at isinailalim sila sa cognitive screen tests assessment.
Pagkatapos pag-aralan ang resulta, napag-alaman ng mga researcher na ang mga kalahok na kumonsumo ng 50 grams ng chili o katumbas ng 3-4 tbsps. ng dried chili pepper kada araw ay nagkaroon ng mas mabilis na cognitive decline kumpara sa mga kalahok na kumonsumo ng mas mababa sa 50 grams.
Gayundin, ang mga kalahok na kumonsumo ng 50 grams nito ay nagkaroon ng dobleng risk ng memory decline at poor cognition.
Ayon kay Dr. Zumin Shi, ang pagkonsumo ng chili ay beneficial sa timbang at blood pressure pero, mayroon itong epekto sa cognition ng mga nakatatanda.
‘Ika nga nila, lahat ng sobra ay nakasasama. True naman ‘yun, mga besh, kaya anuman ang ating kinahihiligan, make sure na hindi tayo mapapasobra rito nang sa gayun ay hindi maaapektuhan ang ating kalusugan.
Copy?





Comments