2 tulak na bebot nasakote
Pabs Hernandez III
Aug 3, 2019
1 min read
CEBU CITY—Dalawang babaeng drug pushers ang nadakip ng pulisya sa isinagawang buy-bust operations kamakalawa sa Bgy. Labangon.
Nakilala ang mga suspek na sina Lilibeth Navales at Lovelyn Gomotong, kapwa residente sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments