top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mag-asawa pinasok sa bahay, pinagsasaksak

Pabs Hernandez III
Aug 2, 2019
1 min read

MAGUINDANAO—Pinatay sa saksak ng lalaki ang mag-asawang kaalitan nito kamakalawa sa Bgy. Mao Datu, Abdullah Sangki.

Kinilala ang mag-asawang biktima na sina Danilo at Adelina Victorino, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-asawa ay pumasok ang suspek na si Alfred Paz at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang dalawang biktima.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page