top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lotto balik na, mga korup sa PCSO, tuloy ang ligaya!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2019
1 min read

TUMINDI pa ang epidemya ng dengue.

Dengvaxia, ipinababalik!

◘◘◘

IDEDEKLARA ang Martial Law sa Negros.

Nakupo!

◘◘◘

APRUB kay P-Di­gong ang prangkisa ng solar power service ng anak ni Antique Rep. Loren Legarda.

Ibig sabihin, sila lang ang puwedeng magnegosyo ng solar panel?

◘◘◘

HINDI pa ibinu­bun­yag ang mga kawatan sa PCSO.

Eh, bakit?

◘◘◘

KAHIT ang mga kawatan sa Customs ay patuloy ang pagpu­puslit.

Malabong masug­po ang ismagling tulad ng gambling at illegal drugs!

◘◘◘

KORUPSIYON ang ugat ng katiwalian sa pamahalaan.

Bigo ang Konsti­tus­yon na masawata ito!

◘◘◘

HINDI nalalayo ‘yan sa kontraktuwalisasyon.

Kahit si P-Digong, suko sa mga bigtime businessman!

◘◘◘

PAANO na ang hanay ng mga manggagawa?

Mananatili ba si­lang umaasa sa mga makakaliwang grupo para ipakipaglaban ang kanilang karapa­t­an?

◘◘◘

ANG gobyerno ang dapat sandalan ng mga obrero at hindi ang mga rebelde.

Dapat proteksiyu­nan ng gobyerno ang karapatan ng mga obrero!

◘◘◘

KAPAG bigo ang gobyerno na protek­tahan ang mga mangga­gawa, hihina ang gulugod nito.

Ang mahinang gu­lugod ng pamahalaan ay oportunidad ng mga rebelde na pala­kasin ang kanilang hanay!

◘◘◘

HINDI mareresolba ang insureksiyon dahil aminado ang gobyerno na hindi mapipigil ang korupsiyon.

Aminado rin ang gobyerno na hindi matatanggal ang “end of contract”.

Kaawa-awang mga manggagawa!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page