Hayskul, huli sa droga


TIKLO ang 17-anyos na high school student matapos makuhanan ng hinihinalang marijuana sa loob ng paaralan sa Bgy. San Roque, Cubao, Quezon City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District Station 7, pasado alas-11:00 ng umaga nang mapansin ng guro ang kahina-hinalang kilos ng ilang estudyante.
Pinatawag ang mga estudyante sa staff room at pinalabas ang laman ng kanilang bulsa kung saan dito nakita ang droga sa suspek.
Ayon kay QCPD Station 7 Chief Giovanni Caliao, aabot sa P600 ang halaga ng nakuhang umano’y droga. (BRT)





Comments