Dahil pumasok na ang Agosto... MGA BAGAY NA EPEKTIBONG GAMITIN PARA MAIWASAN ANG KAMALASAN
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 2 min read
“The Ghost Month/Ang Buwan ng mga Multo III”
Marami ang nag-aalala sa masamang epekto ng Ghost Month ngayong August. Ang mga balita ay nakikitang nakatuon sa mga negatibong pangyayari na lalong nagiging dahilan ng takot at pangamba ng bawat isa.
Hindi natin basta-basta masisisi ang ating mga kababayan dahil likas talaga sa mga Pinoy ang mapaniwala sa mga pamahiin.
Ang iba, kahit hindi naniniwala nang lubusan ay nag-iingat na rin dahil mas maganda ang mag-ingat kaysa sa magsisi.
Narito ang ilang epektibong paraan para ang mga kinatatakutang kamalasan ay maiwasan:
Sa pagtulog, maglagay ng mga halaman na may mga amoy tulad ng oregano, sambong, alagaw at iba pa sa ilalim ng kama, pintuan at bintana.
Maganda rin na magsabit ng dinikdik na bawang sa pinto at bintana.
Bukod sa pagsa-Sign of the Cross, hinihikayat ang lahat na bago umalis ng bahay ay hawakan o salatin ang mga banal na imahen sa altar.
Ipinapayo ring maglagay ng ilang dahon ng laurel sa pitaka, bag o bulsa. Hindi lamang ito panlaban sa masasamang espiritu, ang laurel din ay mabisang lucky charm o pampasuwerte.
Ipinaaalala rin na ang tubig na pampaligo ay haluan ng kaunting butil ng asin.
Inirerekomenda rin na gumamit ng patis sa pagkain.
Ang ilalim ng talampakan ay pahiran ng abo.
Umiwas sa paglalakad kung saan ang mga tao ay siksikan o nagkakabanggaan.
Iwasan din ang madalas na pagtingin sa ibaba o sa lupa.
Maganda kung ang isusuot na damit ay kulay pula o may pula.
Mas lalong mainam na magsuot ng may makikislap na bagay.
Iwasan ang pagsusuot o paggamit ng mga luma at kupas na mga bagay.
Ang mga matagal na sa taguan na mga gamit ay huwag mo ng gamitin, kabilang dito ang mga alahas o bagay na namana mo sa iyong mga magulang o kahit na sino.
Magsuot ng banal na bagay tulad ng bracelet na rosaryo o mga medalyong aprubado ng Simbahan.
Kung magagawa, maganda ring pumasok kahit sandali sa Simbahan o templo.
Alisin ang galit sa katawan, maging mapagpatawad sa mga gumawa sa iyo ng pagkakamali at kasalanan.
Hindi maganda na habang kumakain ay masama ang loob.
Ngayong Agosto ay mahigpit na inirerekomenda na tayong lahat ay mabuhay sa pag-ibig.
Good luck and God bless!




Comments