Biglang naduwag, Julia… GERALD, HINA-HUNTING NI DENNIS, NAGTATAGO NA!
- BULGAR

- Aug 2, 2019
- 1 min read

NAKIKINIG kami nu’ng isang gabi sa programang Mismo nina Kuya Jobert Sucaldito at Kuya Ahwel Paz at ibinalita ng una na may text siyang natanggap mula sa isang kaibigan na nakasama diumano ni Dennis Padilla.
Ayon sa columnist/reporter, galit na galit ang komedyante kay Gerald Anderson dahil sa sinabi nitong liligawan ang anak niyang si Julia Barretto at break na sila ni Bea Alonzo.
Nalaman na lang ni Dennis na ‘di pa pala hiwalay sina Bea at Gerald sa lumabas na interview ng aktres, na sa pagkakaalam niya ay iniwasan lang siyang kausapin ng BF.
Sinubukan ding tawagan ni Dennis si Gerald para komprontahin, pero ‘di na nito sinasagot ang mga tawag ng komedyante.
Sa ngayon ay buo ang suportang natatanggap ni Bea mula sa mga kaibigan nito sa showbizness gaya nina Angel Locsin, Angelica Panganiban, Loisa Andalio at iba pa.
Samantala, nananatili pa ring nakatikom ang bibig nina Gerald at Julia tungkol sa isyu.





Comments