2 parak sugatan sa engkuwentro
SORSOGON—Dalawang pulis ang sugatan sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Tula-Tula, Magallanes.
Kinilala ang mga biktimang sina Pat. Abdullajid Anni at Pat. Kenneth Bautista, kapwa miyembro ng Police Special Action Force (PSAF) na nakabase sa lalawigan.
Ayon sa ulat, nagkasalubong ang mga rebelde at tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar at dito naganap ANG engkuwentro na ikinasugat ng dalawang biktima.
Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA na nakabaril sa dalawang pulis.





Comments