Tinuklaw habang nagpapahinga KELOT GUMANTI SA AHAS
- Jersey Sanchez
- Aug 1, 2019
- 1 min read
GUMANTI at kinagat din umano ng lalaking Indian ang ahas na nanuklaw sa kanya sa Uttar Pradesh, India.
Nakilala ang lalaki na si Raj Kumar na nagpapahinga lamang at umiinom ng alak nang gumapang sa kanyang bahay ang ahas saka siya tinuklaw.
Sa panayam kay Babu Ram, ama ni Raj Kumar, gumanti ng kagat ang kanyang anak hanggang sa magkalasug-lasog ang ahas.
Kasalukuyang nagpapagaling si Raj dahil kritikal umano ang kondisyon nito.
Samantala, ang nakatuklaw na ahas sa biktima ay rat snake na hindi venomous, ayon sa mga eksperto.





Comments