top of page
Pokwang.jpg

Staff, todo-bakod din sa aktor… CARLO, TUMAKAS 'WAG LANG MATANONG TUNGKOL KAY ANGELICA

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 1, 2019
1 min read

LAGI na lang bang babakuran si Carlo Aquino kapag nasa mga events o mediacon? Tulad na lang nang ipakilala sa press people ang mga bagong amba­ssadors ng Beautederm products na puro Star Magic artists.

Kasama ni Carlo sina Matt Evans, Ejay Falcon, Ryle Santiago, Alex Castro, Ria Atayde, Jaine Oineza at Kitkat. Karamihan sa mga press people ay gustong ma-interview si Carlo dahil may konek siya kina Angelica Panganiban at Maine Mendoza (bago niyang makakasama sa pelikula). Pero, bigla ngang nag­laho si Carlo sa presscon kaya dismayado ang ilang entertainment press.

Anyway, it’s good na very accommodating naman sina Ryle Santiago, Alex Castro, Ria Atayde, Ejay Falcon at Kitkat, kaya may mga balita pa ring nakuha sa kanila.

Si Ryle ng Hashtags ang pinakabata o bunso sa mga male Beautederm ambassadors. May talent sa pagkanta at pagsayaw ang anak na ito ni Sherilyn Reyes. Markado ang naging role niya noon sa peliku­lang Bakwit Boys, kaya marami ang nagsasabing minana niya ang husay sa pag-arte ng kanyang tito na si Ray­mart Santiago. Tiyuhin din niya sina Randy at Rowell Santiago.

Bakit ginusto pa niya na maging miyembro ng Hashtags ganu’ng puwede naman siyang makilala bilang solo actor na lilinya sa dramatic roles? Kasi, bukod sa acting, gusto rin daw subukan ni Ryle ang maging total performer.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page