Pinugutan, hinostage etc. | RIOT SA KULUNGAN, 52 PATAY
PATAY ang 52 katao matapos ang riot na naganap sa bilangguan sa Para, Brazil.
Ayon sa prison authorities sa Brazil, sangkot sa riot ang mga criminal gang. Napag-alaman na 16 sa mga nasawi ang pinugutan habang hinostage pa ng mga preso ang dalawang prison officers sa kalagitnaan ng riot.
Dahil dito, sinabi ni President Jair Bolsonaro na magpapatupad siya ng mas mahigpit na kontrol sa mga bilangguan sa bansa.
Aminado rin ito na kailangang magdagdag ng prison facilities dahil nasa 750,000 na ang preso sa bansa.





Comments