Naka-bike, nagulungan | 14-ANYOS PISAK SA TRAK
Paul Lamsen
Aug 1, 2019
1 min read

PATAY ang 14-anyos na binatilyo makaraang magulungan ng trak, kamakalawa ng hapon sa Urdaneta City, Pangasinan.
Nakilala ang nasawi na si Renato Barias, 14, naninirahan din sa nasabing lugar.
Ayon sa nakalap na imbestigasyon, bandang hapon, lulan ng bisikleta ang biktima nang masalpok at magulungan ng trak.
Pisak ang ulo ng biktima na sanhi ng agaran nitong pagkamatay.
Nakapiit ngayon ang drayber ng trak sa Urdaneta City BJMP.





Comments