top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mga ate at kuya, para iwas-trapik na, safe pa... TIPS SA PAGPILI NG DORM

Justine Daguno
Aug 1, 2019
2 min read

SOBRANG bilis ng panahon, August na, ibig sabihin, start na ulit ang klase sa kolehiyo. Kasabay ng pagsabak sa buhay-kolehiyo ang pagharap sa malalaking pagbabago.

Kaugnay nito, malaking factor sa bawat estudyante ang pagko-commute kaya karamihan sa kanila ay mas pinipili na lang mag-dorm lalo na at karaniwan sa mga kolehiyo at unibersidad ay malalayo o kailangan pang lumuwas para makarating dito. Kaya para sa mga napagdesisyunan ng mag-dorm, narito ang ilang bagay na dapat nating ikonsidera:

1. LOKASYON. Siyempre, ang main goal natin kaya tayo magdo-dorm ay dahil gusto nating makaiwas sa hassle na dulot ng matinding traffic kaya importanteng malapit lang sa school ang pipiliin mo. Mayroong mga school na nag-o-offer ng dorm sa vicinity mismo ng eskuwelahan at mayroon ding 10-15 minutes na lakaran, kaya desisyon n’yo na lang ang hinihintay.

2. BATHROOMS O PALIKURAN. Bawat dorm ay may kani-kanyang “style” ng bathrooms. Mayroong personal na ikaw o ‘yung roommate mo lang ang makagagamit, puwede ito kung ikaw ‘yung tipong maselan at mayroon ding common C.R. o iisa lang ang palikuran para sa lahat ng tenants na keri lang para sa mga taong game sa lahat ng bagay. Tandaan lang na sa community-style na C.R., bawal ang maarte at matagal maligo dahil marami kayong pipila rito.

3. KOMUNIDAD. Maraming dorm ang maganda talaga, ‘yung tipong safe dahil may security at CCTV, super-linis at makapagre-relax ka dahil walang nagsisigawan, pero for sure, maganda rin ang presyo nito. Sa kabilang banda, mayroon namang ‘presyong-estudyante’ ‘yun nga lang, kailangan mong ihanda ang sarili mo sa mga taong maingay at ma-drama dahil ito ang tipikal na environment sa makamasang dorm.

4. MGA PASILIDAD. Sa pagpili ng dorm, mahalagang ikonsidera ang mga pasilidad tulad ng C.R., closet space, bubong, mga hagdan, bentilasyon at iba pa. Sabihin man nating mura lang ang inyong uupahan, kailangan ay komportable pa rin kayo sa pagtira rito dahil bukod sa eskuwelahan, ito rin ang inyong magiging ikalawang tahanan.

5. BILANG NG MGA MAGKAKASYA. Tulad ng nasabi natin, hindi pare-pareho ang dorm, may maliit na isahan o dalawang tao lang at may malaki na kasya ang buong section ninyo. Gayundin, depende ito sa choice ninyo kung mahilig kayong makihalubilo sa iba’t ibang tao o mas trip n’yo ‘yung mag-isa o kayu-kayo lang na magkakaibigan ang nasa room.

Paniguradong malaking adjustment ang kailangang gawin ng sinumang estudyante na magdo-dorm, hindi biro ang mag-aral sa kolehiyo, lalo na kapag malayo ka sa pamilya mo. Sa pagkakataong lumabas ka ng bahay ninyo, ikaw na ang responsable sa sarili mo. Tandaan, anumang hamon ang dumating sa college life mo, practice pa lang ‘yan sa ‘ika nga, ‘totoong mundo’. Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page