Mag-ina nalunod sa ilog, dedo

TINANGAY ng rumaragasang tubig ng umapaw na ilog ang mag-ina sa Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat, kamakalawa ng umaga.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Sultan Kudarat, tinatawid ni Ailyn Gogo, 45, habang karga ang kanyang 4-anyos na anak na babae, ang Basag River para makauwi.
Gayunman, biglang tumaas ang tubig sa ilog at naabutan ang mag-ina at tinangay.
Rumesponde ang mga awtoridad sa mag-ina at nakuha ang mga ito mula sa malalim na bahagi ng ilog ngunit, wala nang buhay.
Sinasabing walang ulan sa Poblacion noong panahong tumaas ang tubig sa Basag River ngunit, malakas ang buhos sa kabundukan.
Pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa lugar sa pagtawid sa ilog at creek dahil sa posibilidad na biglang tumaas ang tubig nito kapag malakas ang pag-ulan sa kabundukan sa lugar.





Comments