top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Kasama ang asawa sa restoran | NEGOSYANTE BINARIL SA ULO, DEDBOL

  • Levi Gonzales
  • Aug 1, 2019
  • 1 min read

DEDBOL ang isang negosyante makaraang barilin sa loob ng restoran sa Bgy. Balibago, Lian, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Florencio Gonzales alyas Pogi.

Ala-1:30 ng hapon, habang nasa loob ng Fhe and Len Restaurant ang biktima kasama ang kanyang asawa nang pumasok ang nag-iisang suspek.

Mabilis siyang binaril nang harapan saka tumakas sakay ng nag-aabang na Toyota Innova.

Dead-on-the-spot ang biktima sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at katawan habang patuloy ang isinasagawang pagtugis sa mga salarin.

Pinag-aaralan pa ng pulisya ang motibo sa krimen at nasa likod ng pagpatay sa biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page