KAHULUGAN NG BARYANG DOLYAR SA PANAGINIP

Salaminin natin ang panaginip ni Rose ng Rose_Mejia@facebook. com
Dear Professor, Mga last week ng June ay nanaginip ako na may hawak daw akong bote na may lamang dollar na coins, pero wala itong tubig. Noong una, nang makita ko ang plastic container ay inaninag ko muna ito dahil hindi ako sigurado kung pera ba ang nasa loob nito at nang malaman ko na coins, naisip ko na kamukha ito ng mga collection ng asawa ko na si Marlon at saka ko kinuha, hinawakan at tiningnan. Pero, nang hinawakan ko ay biglang nawala ‘yung coins na may value at ang nakita ko sa loob ay mga lumang coin. Pagkatapos, sinabi ko raw na ano ang nangyari at bakit nawala ang mga dollar ng asawa ko na namatay? Sana, masagot ninyo ito. Naghihintay, Rose
Sa iyo Rose , Ipinaaabot ng iyong asawa ang ilang susi ng pagpapayaman na dapat mong isabuhay.
Una ay tularan mo siyang maging masinop. Pangalawa ay mag-ipon ka tulad niya.
Pangatlo, huwag kang tumulad sa iba na hindi pinahahalagahan ang maliliit na bagay na ang gusto ay ang biglaang pagyaman.
Huwag mong kalilimutan na ang mga dakilang Piramide sa Ehipto ay binuo ng paisa-isang bato.
Gayundin, ang bigas o palay, maraming butil ang ating isinasaing.
Ang damit na suot mo ay binubuo ng fiber, ito ang mga maliit na sinulid na ngayon ay nagbibigay sa iyo ng kagandahan.
Kaya sa kabuuan, ang mensahe ng asawa mong namatay ay gaganda ang buhay mo nang dahil sa maliliit na suwerteng iyong sisinupin, mamahalin, iingatan at pahahalagahan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments