Kagawad todas sa riding-in-tandem
Levi Gonzales
Aug 1, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang barangay kagawad matapos barilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Dela Paz, Biñan City, Laguna.
Sa inisyal na ulat, alas-11:45 ng gabi, nakatayo sa tapat ng kanyang bahay si Romeo Manalo, nang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at agad siyang binaril nang malapitan.
Dinala sa ospital ang kagawad ngunit, binawian din ng buhay.
Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.





Comments