HINDI NA MASAYA Ni: Emerald


Mahigit dalawang taon ang aking pamamalagi, pero
ngayon tila ito’y napawi.
Mga gawai’y nakasasawa
na, tama na, ayoko na.
Kasiyahan ang nais ko, pero
pasakit ang naidulot n'yo.
Dededmahin na lang ba?
Gusto nang maging malaya.
Ngayong napuno na ang
aking pasensiya, sarili’y
uunahin muna.
Maglalakbay at hahanap ng
iba hanggang sa umunlad pa.
Hindi biro ang bawat araw
na dala-dala ang aking takot
at pangamba.
‘Ika nga, kung hindi na
masaya, huwag ng ipilit pa.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments