Ganern, Ellen?! ANGELICA, SI JOHN LLOYD ANG 'DI MAKALIMUTAN SA LAHAT NG EX-BF
- BULGAR

- Aug 1, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

NAGPAKATOTOO naman ang aktres na si Angelica Panganiban nang matanong sa vlog ng kaibigan niyang si Patty Yap tungkol sa past relationships niya.
Hindi rin nakalusot si Angelica na sagutin kung sino sa mga ex niya ang naiisip pa niya hanggang ngayon.
Aniya, “Si John Lloyd (Cruz), kasi siya ‘yung pinakahuli.”
Dagdag pa niya, “Parang mas fresh kasi ‘yung memories mo doon. Pero hindi na siya naaalala na, ‘Oh, my God!’ gusto mong mamatay. Naalala mo lang na, ‘Ay, kumain ako dito, kasama ko nga noon si Lloydie,’ parang ganu’n.”
Sa tanong kung naiisip pa ba niya si Lloydie tuwing gabi bago siya matulog, aniya, “Ay, hindi, hindi na ako nakakaalala ng ganu’n pa. Hindi ako nakakaisip ng ex sa gabi.”
Samantala, pareho nang masaya ngayon ang love life ng dalawa. Si John Lloyd Cruz ay haping-hapi sa piling ngayon ni Ellen Adarna, kung saan meron na silang baby na nagdiwang ng 1st birthday noong June.
Si Angelica naman ay mukhang may bago na ring pag-ibig sa katauhan ni Cholo Barretto.





Comments