CARRY OVER SA SUPER 6

KAPANAPANABIK ang karerang magaganap ngayong gabi sa Additional One Win In Group Races kasabay ng carry over ng Super Six sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite.
Nasa P11,713.54 ang carry over sa Super Six, kasabay ng anim na Condition Race at Group Race na magaganap sa karera. Sa Race 1 na pambungad ang Winner Take All (WTA), ipinapatok ang Purpose Driven habang ang mga kalahok na She’s My Princess, Case Bell, Hayaku Jabez at Single Flower ay puwedeng isama sa Quartet at Pentafecta.
Sa pagsisimula ng Pick 6 ng Race 2, apat na kalahok ang magtatagisan ng bilis sa pagitan ng Ziqqy, Strong Leader, Feather In the Wind, Pure Imagination at Maligalig. Magaganap ang Pick 5 event sa Race 3 at ipinapatok ang Genie Hello at isama ang mga kalahok na Humuhumunukunuku, Magnolia Yana at Sari Baby sa Quartet at Pentafecta.
Sa panimula ng Pick 4 sa Race No. 4, nakalalamang ang Blowby sa mga katunggali na Baby Galore, Doña Nicasia, Storm Goddess at Regina’s Choice. Sa Race 5, nakalalamang ang Pax Britannica habang ang kalahok na Lady Zip at Trust In Him ang posibleng tumalo.
Magkakaharap ang mga kalahok na Harapin ang Bukas, Phenomenal, My Dad Bogart at couple entry na Elle Street at Forest Cover sa Race 6. Mahigpit na maghaharap ang couple entry na No Regret at More or Less laban sa Palos, habang ang Wild Talk at Magic Square ay para sa mga dehadista sa pagtikada ng Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race 1- Purpose Driven (5) Single Flower (3) Race 2- Pure Imagination (5) Strong Leader (2) Race 3- Genie Hello (7) Magnolia Yana (3) Race 4- Blowby (6) Storm Goddess (2) Race 5- Pax Britannica (5) Trust In Him (6) Race 6- Phenomenal (2) Entry No.1 My Dad Bogart (5) Race 7- Entry No.5 Palos (4) Wild Talk (3) WTA- (1-7) 5-3/5-2/7/6/5/1-2-5-7/5-4-3/ Pick 6- (2-7) 5-2/7/6/5/1-2-5-7/5-4-3 Pick 5- (3-7) 7/6/5/1-2-5-7/5-4-3 Pick 4- (4-7) 6/5/1-2-5-7/5-4-3.





Comments