BIGTIME TULAK, TIMBOG
- Pabs Hernandez III
- Aug 1, 2019
- 1 min read
BUTUAN CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Limaha.
Kinilala ang suspek na si Aljin Maluyoh, nakatira sa Bgy. Holy Redeemer sa nasabing lungsod.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng siyam na gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Maluyoh na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments