BANGKAY NG BEBOT, NATAGPUAN
Pabs Hernandez III
Aug 1, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang bangkay ng hindi kilalang babae ang natagpuan kamakalawa sa irigasyon sa bayan ng Jaen.
Ang biktima ay may taas na 5’0", nakasuot ng itim na sweater, checkered na blouse, itim na pantalon at brown na sandals.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar na may tama ng bala sa ulo.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na krimen.





Comments