Aysus, Maria! Eh, di siya na! MAGALING NA AKTRES, SOBRANG LINIS SA KATAWAN, 5 BESES MALIGO ISANG ARA
- Erlida Rapadas
- Aug 1, 2019
- 1 min read
BLIND ITEM:
SOBRANG OC daw ang isang not-so-young na magaling na aktres kaya madalas siyang topic ng mga kapwa niya artista. Sobrang linis kasi sa katawan ang aktres at laging mabango.
May ugali raw kasi ang aktres na 3-5 beses maligo araw-araw kahit daw nasa teyping o shooting siya. At bagay na bagay talaga sa kanya ang linya noon sa isang pelikula na ayaw ng masikip at ayaw ng maruming kapaligiran. Gusto niya ay mabango at malinis lagi ang kanyang kapaligiran.
Allergic si magaling na aktres sa marumi at mabaho kaya siya ay napakalinis din kung manamit. Para siyang baby na bagong paligo lagi, kaya gustung-gusto rin siyang makatrabaho ng kanyang mga naging leading men.
Ang labis lang na ikinalungkot ng mga friendships ng mabango at malinis sa katawang aktres, eh, kung ano ang itinapang-tapang ng imahe niya sa big screen, hindi niya nagawang labanan ang sunud-sunod na pagsubok na dumating sa kanyang buhay. Nagpatalo siya sa lungkot at depresyon kaya ilang taon din nadiskaril ang direksiyon ng kanyang buhay.





Comments