top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ayaw daw niya ng gulo… KATHRYN, TUTOL MAGSAMA SA MOVIE SINA DANIEL AT NADINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2019
  • 2 min read

KUNG hindi siguro pumutok ang balitang real-life boyfriend na ni Maine Mendoza si Arjo Atayde, hindi papayag si Kathryn Bernardo na magsama sila sa Hello, Love, Goodbye ng Pambansang Bae na si Alden Ri­chards.

Alam na alam ni Kathryn ang feelings ng mga diehard followers ng mga love teams sa showbiz, kaya kung kainitan pa siguro ng AlDub love team nina Maine at Alden, tatanggihan niyang makapa­reha si Alden dahil ayaw niyang ma-bash ng mga fans.

Sa recent guesting nga ni Kathryn sa Tonight with Boy Abunda, tinanong siya ni Tito Boy kung open ba siyang maka­tambal sa movie sina James Reid at Enrique Gil na may kani-kanyang ka-love team, pero umatras ang reel and real-life girlfriend ni Daniel Padilla.

Katwiran niya, “Goodbye na para tahimik na ‘yung parehong fans.

Dagdag pa niya, “Ayaw ko na ng away. Goodbye! Tahimik na ang bu­hay ko.”

Same thing, ‘wag na lang din daw i-push ang Daniel-Na­dine Lustre project para wala nang gulo.

Sabi pa ni Kathryn about Nadine, “Okay na, kasi parang mas nag-i-individual na din na movie si Nadine and I don’t think kaila­ngan niya ng partner ngayon. Parang nae-enjoy niya ‘yung freedom na ‘yun.”

Samantala, after kay Alden, may ilang nag­tatanong kung si Piolo Pascual ba ang next leading man ni Kathryn dahil sa said interview ay kinilig ang labs ni Daniel nang matanong ni Tito Boy kung gus­to ba niyang maka­sa­ma si Papa P.

Nakoooo! Okay naman kaya sa Kath­Niel fans ang idea na ‘yan, eh, for sure, may ilang aalma sa laki ng agwat ng edad ng dalawa at ‘di na kami magtataka kung may magsasabing parang ‘tito’ na lang ni Kathryn si Papa P. kahit para sa amin, yummy pa rin naman ang daddy ni Iñigo Pascual at sa tanggapin o hindi ng iba, Piolo Pascual pa rin siya, ‘no!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page