14 huli sa aktong nagsa-shabu
- Maeng Santos
- Aug 1, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang 14 katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nagsa-shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, alas-4:00 ng madaling-araw, nagsasagawa ng SACLEO ang mga tauhan ng PCP 4 nang isang concerned citizen ang nag-report hinggil sa nagaganap umanong pot session sa Bgy. 185.
Tinungo ng mga pulis ang naturang lugar at naaktuhan sa isang bahay na sumisinghot ng shabu sina Jimmy Camba, 51, painter; Sharena Lalaguna, 40; Leonardo Brigildo, 33, mechanic at Rizalde Histosis, 37, security guard.
Narekober sa lugar ang nakabukas na sachet na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.
Timbog din ng mga tauhan ng PCP 5 sina Francisca Leyte, 43, therapist; Jessica Rose Mcbrearty, 30; Ann Mahilum, 37, hair stylist; Michelle Apetan, 25; Oliver Imperial; Joselito Bugho, 57, cellphone technician; Isagani Batolin, 40; Baltazar Ferrer, 24; Eric Cruz, 29, at Rommel Tayo, 31, matapos maaktuhan ding sumisinghot ng shabu sa loob ng bahay sa Bgy. 178, bandang alas-4:00 ng madaling-araw.
Apat na nakabukas na sachets na may bahid ng shabu at mga drug paraphernalia ang nakumpiska ng pulisya sa mga suspek.





Comments