Walang sukuan sa laban kontra 'endo'!
- BULGAR

- Jul 31, 2019
- 1 min read

NEVER SAY DIE!
Ito ang sigaw ng mga manggagawa at mambabatas na nagsusulong ng Security of Tenure Bill.
Matapos ibasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala na tatapos sana sa ‘endo’, tiniyak ng mga mambabatas na agad maghahanda ng bagong bersiyon ng Anti-Endo Bill.
Susuriin ang mga dahilan ng pagkaka-veto at sisikapin umano nilang makapagbalangkas ng bagong panukala na tutugon sa gustong mangyari ng pangulo.
Ito rin ang tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE), bilang inatasan ng Chief Executive na pag-aralan at magpalabas ng umano’y patas na bersiyon na magkakaloob ng seguridad sa trabahong hindi maaapektuhan ang business and investment sa bansa. Kasama sa pag-aaralan ang depinisyon ng labor-only contracting at ang lawak ng kapangyarihan ng management sa pagtukoy sa mga trabahong maaari nilang i-outsource.
Kaugnay nito, inaasahan ang tripartite body na kakatawan sa labor, management at pamahalaan.
Kung kailan o saan aabot ang laban kontra ‘endo’, umaasa tayong walang partidong madedehado dahil ang pagbuo at pag-apruba sa anumang batas ay para sa kapakanan ng lahat.





Comments