top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pumatay sa 4 yrs. old na pamangkin, todas sa pulis

Mylene Alfonso
Jul 31, 2019
1 min read

DEDBOL ang lalaking pumatay sa kanyang 4-anyos na pamangkin makaraang magwala at nagtangkang agawin ang baril ng isang pulis sa Manila Police District-Station 2, kamakalawa ng gabi sa Moriones, Tondo, Manila.

Dead-on-arrival sa Mary Johnston Hospital si Edmundo Perucho, 51, pedicab driver, residente ng Parola Compound, Tondo, sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanang bahagi ng ulo.

Batay sa imbestigasyon ni PCpl. Rodel Benitez, alas-8:28 ng gabi nang mangyari ang insidente sa loob ng presinto.

Iniimbestigahan umano ang suspek dahil sa ginawang pagpatay sa biktimang si Larz Genesis dela Cruz, 4, nang magpaalam itong iihi.

Sinamahan ito ni PSSg. Alfred Luigi Tan subalit, pagdating sa comfort room nang tanggalan ng posas ay agad umano nitong inagaw ang baril ng pulis.

Nag-agawan ang dalawa habang nagsasalita ang suspek ng, “wala ng kuwenta ‘tong buhay ko, damay-damay na tayo”, hanggang sa pumutok ang baril at duguang bumagsak ang suspek.

Nabatid na pinagbalingan umano ng galit ng suspek ang paslit matapos nitong makipagsuntukan sa ama ng bata na si Gener habang nag-iinuman sila.

Naghihinala umano ang suspek na may kalaguyo ang kanyang asawa na kapatid ng ama ng bata at kinukunsinti ito ng mga kaanak ng kanyang misis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page