Proud na proud pa raw sa pagdidispley… HIRIT NG NETIZENS: MEG, TODO PASOSYAL, FAKE NAMAN ANG LV BAG

Beth Gelena / BULGARY FILES

IRITABLE si Meg Imperial nang akusahan siya ng basher na gumagamit ng fake bag.
Nag-post ang actress sa kanyang socmed ng isang selfie photo na naka-shoulder bag. Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizens ang nasabing bag na isang Louis Vuitton.
Ani ng netizen, “That bag is screaming FAKE. Fake LV Croisette bag.”
Sagot ni Meg sa netizen, “It is. They didn’t say it’s legit. So, stop messing my comment section for hate. If you do not agree with me posting something you called FAKE. You’re free not to visit my page. As much as I respect your opinion. Respect mine too. Do it on your feed. Thank you.”
Sadyang palaban ang basher kaya hindi niya tinantanan si Meg.
Sabi ng basher “@megimperial Thank you for supporting terrorism, human trafficking, drug smuggling and child labor by continuing to proudly use and promote counterfeit items. Didn’t you know @louisvuitton is actively cracking down against these fakes?”
Sambit naman ng aktres, “I do not know you and for sure hindi mo rin ako kilala. Report the real culprit if you intend to help talaga. If gusto mo maging mabuting tao, gawin mo by not targeting other people na nananahimik. You won’t change a thing by doing that. Just saying.”
Mahaba pa ang naging pagtatalo ng aktres at ng basher, pero mukhang para sa netizen ay talo si Meg dahil sa kanyang mga opinion.
Komento pa ng iba, “Hala siya, mali na nga, maldita pa! Kung ‘di kayang bumili ng orig, ‘wag tangkilikin ang fake. Maka-pretend lang.”





Comments