top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

PCSO games, ipinatigil ni Digong | MABUTI NAMAN! — SIMBAHAN

  • Madel Moratillo
  • Jul 31, 2019
  • 1 min read

“MABUTI naman!” Ito ang reaksiyon ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang operasyon ng Lotto, Small Town Lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO).

Ayon kay Pabillo, mainam na sinuspinde ang operasyon ng mga nabanggit na laro at sana ay pangmatagalan na ang suspensiyon.

Ang sugal aniya ay madaling maging bisyo at marami ang naaadik dito. Kumbinsido rin ang Obispo na isang ugat ng malawakang korupsiyon ang anumang uri ng sugal.

Samantala, bagama’t, kinakatigan ang tigil-operasyon ng lotto at iba pang gaming activities ng PCSO, hinamon ni Pabillo ang presidente na labanan din ang jueteng na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin lalo na sa mga probinsiya.

Dapat aniya ay may malakas ding pagkontra ang pangulo sa jueteng at iba pang iligal na sugal na sumisira sa mga komunidad.

“Mabuti naman na sinuspinde and I hope it stays. Gambling easily becomes a vice and an addiction. It is indeed a source of big corruption. So, I hope he also goes against jueteng and all illegal gambling,” pahayag ni Pabillo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page