Grade 6, nireyp ng kapitbahay

PORMAL na nagsampa ng kasong panghahalay ang isang menor-de-edad na babae laban sa 50-anyos na lalaki sa Bgy. Magalang, Tulo-Tulo, Sariaya, Quezon.
Ayon sa biktimang si alyas Shane, Grade 6, pasado alas-3:00 ng hapon, pauwi na siya galing sa eskuwelahan nang tawagin ng suspek na si alyas Badong. Kinausap umano siya nito tungkol sa ibibigay na uniporme.
Makalipas ang ilang minuto ng kanilang pag-uusap nang biglang hatakin ng suspek ang biktima saka ipinasok sa banyo at doon pinagsamantalahan. Agad nagsumbong ang biktima sa kanyang magulang kaya ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.





Comments