BLAZE SPIKERS, INIHAW SA 8TH WIN ANG STA.LUCIA


BUMANDERA sa ika-walong panalo ang reigning champion Petron makaraan ang madaliang panalo kontra Sta. Lucia, 25-13, 25-10, 25-13, sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagbalik bangis ang mga porma ni Sisi Rondina nang pangunahan ang scoring ng Blaze Spikers at ipinahiya ang pinahihirapang Lady Realtors sa pagsapit sa krusyal na oras ng prestihiyosong women’s club tournament. Nagpakawala si Rondina ng 18 kills, 2 blocks at 2 aces para sa kabuang 22 puntos at 7 digs para sa Blaze Spikers na pakay na makikipagpatayan para madepensahan ang kanilang korona na isinasaere ng ESPN at Kapatid TV5.
Malaking bagay din ang nagawa nina Ces Molina at Remy Palma sa bisa ng 7 at 6 puntos habang si Bernadeth Pons ay may 5 marka at 7 digs para sa Petron habang wala sa serbisyo si Mika Reyes. “I’m happy and satisfied with the win. We showed another great performance but we have to work harder so we could sustain our momentum for our succeeding matches,” ayon kay Petron head coach Shaq Delos Santos, na nakuha ang 10th win sa 11 matches. (MC)





Comments